Usap-usapan ngayon ang reklamo ng misis na si Rose Pancho, 38 anyos, may-ari ng sari-sari store mula sa Camarines Sur, matapos niyang ibahagi sa social media ang litrato ng gasa o medical gauze na naiwan umano sa loob ng kaniyang puwerta, matapos niyang magsilang.

Apat na buwan umanong nasa loob ng kaniyang puwerta ang gasa kaya hindi umano siya gumaling-galing.

"4 months na-stock sa loob ng puwerta ko na akala ko bukol kaya pala hindi ako gumagaling," ayon sa caption ng misis sa kaniyang Facebook post noong Hulyo 14.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Larawan mula sa FB/Rose Pancho

Ayon sa panayam ng Balita Online kay Rose, buong akala nila ng kaniyang mister na nagkabukol na ang kaniyang puwerta matapos manganak sa pamamagitan ng normal delivery.

"Nooong una akala ko po bukol lang, tapos yung magpapalagay po sana ako ng gamot sa asawa ko, napansin niya po na parang gasa daw po."

"Sabi ko naman 'Paano naman magkakaroon ng gasa sa loob?' Sure daw siya na gasa, yung gasa po kasi nakabara na sa puwerta ko kaya malalaman po talaga kung ano ang nasa loob," dagdag pa.

At nang ipatingin nga nila ito sa doktor, nakumpirmang gasa nga ito.

Balak umanong ireklamo ng mag-asawa ang ospital na pinag-anakan niya, na ayon sa kaniyang hashtag ay sa isang ospital sa Naga City, Bicol.