Nagluluksa ang Kapamilya actress na si Ria Atayde sa pagkamatay ng kaniyang alagang pusa na si Kaspian. 

Sa isang Instagram post noong Hulyo 12, nag-upload siya ng mga larawan ni Kaspian. Pagbabahagi ng aktres, pitong taon niyang kasama ito.

"No words. Thank you for never making me feel alone the past 7 years," sey ni Ria.

"I love you so much Kaspian. I’ll miss you always," dagdag pa niya ngunit hindi na niya binanggit kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng alaga.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilan sa kaniyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz kabilang si Janella Salvador na namatayan din ng alaga kamakailan. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/08/janella-salvador-nagluluksa-sa-pagkamatay-ng-kaniyang-aso-thank-you-for-sharing-your-life-with-me/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/08/janella-salvador-nagluluksa-sa-pagkamatay-ng-kaniyang-aso-thank-you-for-sharing-your-life-with-me/

Samantala, sa panibagong Instagram post nagpasalamat siya sa mga mensaheng natanggap niya.

"Thank you to everyone who sent their love. Appreciate it so much."