Usap-usapan ngayon ang naging bash ng isang guro mula sa isang pribadong paaralan kay dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon kung saan tinawag ang 'Queen of Bardagulan' na "Buangzon" at "Itulak daw sa fish pond".

Nagkomento umano ang gurong nagngangalang "Alex Abad" sa isa sa mga Facebook post ni Guanzon habang hina-harvest ang mga isda sa kaniyang fish pond, na matatagpuan naman sa kaniyang bukirin sa Cadiz, Negros Occidental.

"Itulak n'yo yang Buangzon na 'yan," aniya.

Hindi naman ito pinalagpas ng mga tagasuporta ni Guanzon at sinaliksik nila ang Facebook account nito. Natuklasang isa itong guro sa isang pribadong paaralan sa Butuan City.

National

DOJ, nais ibalik si Alice Guo sa kustodiya ng PNP

Nakarating naman ito kay Guanzon kaya ibinahagi niya ang screengrab ng FB account nito bilang "resibo", sa kaniyang social media.

"Saang school nagtuturo?" tanong ni Guanzon.

Agad na kumambyo ang guro at sinabing pamangkin daw niya ang nag-post ng naturang komento laban kay Guanzon, kaya binura na niya ang naturang pinag-usapang post.

Screengrab mula sa FB/Alex Abad