Kasama ang kapatid at ilang fans, ipinagdiwang ni SB19 Justin De Dios ang ika-24 kaarawan kamakailan sa pamamagitan ng isang tree planting activity at paglalaan ng donasyon para sa Masungi Georeserve.

Naglunsad si Justin o "Bujing", ng isang makabuluhang inisyatiba kasama ang "JAHanan," tawag sa solo fan club ng bunsong miyembro ng tinaguriang P-pop Kings, kasunod ng kaarawan nito noong Hulyo 7.

Sa mga larawang ibinahagi ng Masungi Georeserve sa Facebook, Huwebes, naispatang nanguna si Justin sa isang Narra tree planning activity sa Legacy Trail.

Maliban pa nito, sa tulong ng JAHanan ay nakalikom ng halagang P60,000 si Justin bilang suporta sa ilan pang mga hakbang upang lalong mapangalagaan ang nasabing conservation area.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Hindi lang tayo basta-basta [nagsasaya]. Nag-e-enjoy tayo, nakakabuo tayo ng masayang community, but at the same time nakakatulong tayo sa kalikasan,” saad ni Justin.

Masungi Georeserve/via Facebook

Present din sa birthday initiative kapatid ni Justin na si Yani De Dios.

Matatandaan ang pangunguna na rin ng A’TIN, fans ng SB19, sa pangangalap ng signatories noong nakaraang Marso para sa paglulunsad ng #SaveMasungi campaign.