Hinangaan ng Pinoy pageant fans ang pagpapaandar na agad ng Miss Universe Thailand 2022 sa kanilang “Preview Day” noong Hulyo 13.

Kilala ang kapitbahay na Thailand sa kanilang world-class na pageant production maliban sa pagiging masugid na pageant fans ng bansa kagaya ng Pilipinas.

Kaya naman inabangan maging ng ilang mga Pilipino ang pag-arangkada na ng kompetisyon.

Sa naganap na “Preview Day” kamakailan, pinaandaran na agad ng MUT 2022 ang pageant fans sa kanilang plakadong stage setup.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Basahin: Dalawang contenders ng Miss Universe Thailand, mala-Catriona Gray ang awrahan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Mula sa entrada ng mga kandidata sa dalawang magkatabing escalator hanggang sa pangmalakasang anggulo ng pagrampa ng mga delegada ay naging swabe na agad ang presentation ng MUT organization dahilan para hangaan ng Pinoy pageant fans.

“Best in production and stage presentation...Thailand! They never fail to amaze me,” komento n isang Pinoy fan sa pageant page na Pageanthology kung saan tampok ang kakaibang entrada ng mga kandidata sa elevator.

“Wow superb production. Well done Thailand.”

“Awaaard!! Dapaaaat ganyaaan!!”

“Ang galing at ang ganda ng mga production team nila ang solid!”

“Pasabog ang Thailand!!!”

“Thailand is the standard💁

“Iba talaga mag conceptualize ang Thailand!!! Panalo!”

Sa Siam Paragon sa Bangkok ginanap ang “Preview Day” kung saan inilahad na rin ng bawat kandidata ang kani-kanilang mga napiling adbokasiya.

Sa Hulyo 30 gaganapin ang finals ng national pageant.

&t=5937s