Kinagiliwan sa social media ang litrato ng isang congratulatory tarpaulin ng isang bagong graduate dahil nai-display ito sa harapan ng isang sementeryo, mula sa Baao, Camarines Sur.

Ayon kay Erika Allyson Bedural, 23, pagmamay-ari ng kaniyang lolo ang Perpetual Peace Memorial Garden. Sinorpresa siya ng kaniyang mga kaanak, na masayang-masaya sa kaniyang pagtatapos sa kursong BS Nursing sa Camarines Sur Polytechnic Colleges.

Nagdesisyon umano ang kaniyang ama na ilagay na lamang sa bungad ng sementeryo ang tarpaulin upang mas maraming makakita.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa kabila nito, hindi naman na-offend si Erika dahil proud na proud sa kaniya ang buong pamilya. Wala umano siyang balak na ipatanggal ang naturang congratulatory tarp.

Bukod sa mga magulang, pinasalamatan ni Erika ang kaniyang lolo at lola na nagbigay ng suportang pinansiyal at emosyunal upang makatapos siya sa kolehiyo.

Pagbati, Erika!