Usap-usapan ngayon ang TikTok video ng kontrobersiyal na actress-beauty queen ngayon na si Ruffa Gutierrez nang tanungin nito ang inang si Annabelle Rama, kung ano ang masasabi nito kay "that girl Guanzon" o si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Tinanong kasi ni Ruffa si Bisaya kung anong masasabi nito kay "girl Guanzon" at maya-maya, itinutok nito ang video sa ina.

"Mom, ano message mo kay Guanzon? That girl Guanzon," tanong ng actress-beauty queen.

"Hay naku, no comment," tugon naman ng talent manager sa anak.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Napa-'Huwaaaawwww!!!" naman si Ruffa dahil sa hindi inaasahang sagot ng kaniyang palabang ina.

Video mula sa TikTok account ni @purplemay30

"Too busy arranging her 💎 to care. Lol 😂 good job Mother #annabelleramaig," caption naman ni Ruffa.

Matatandaang inaabangan na ng mga netizen ang bardagulan nina Rama at Guanzon, matapos magparinig ni Bisaya sa social media, na ipinagpalagay ng mga sawsawera na para kay Queen of Bardagulan.

"Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!

Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo," banat ni Annabelle.

"Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??" hirit pa ni Bisaya. Matatandaang si Ruffa ang gumaganap sa papel na dating First Lady Imelda Marcos.

Tila game naman na nagpakawala ng parinig si Guanzon.

"Wait lang dayy," aniya sa tweet.