Sumailalim sa breast reduction surgery ang anak ni Ina Raymundo, at rumored girlfriend ni Kobe Paras, na si Erika Poturnak.

Ibinahagi ni Erika ang tungkol sa "happiest day of her life" sa kaniyang TikTok account.

"Happiest day of my life #breastreduction #breastreductionsurgery," saad niya sa caption.

Sa comment section nito ay makikita ang komento ng kaniyang ina.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Woohoo!" komento nito.

Marami naman sa mga netizen ang naka-relate kay Erika, kabilang na ang voice over talent na si Inka Magnaye.

"Congratulations love!! So happy for you!! I bet your back will feel AMAZING!!" aniya.

Kamakailan lamang ay naging laman ng mga showbiz balita si Erika dahil sa sweet moments nila ng rumored boyfriend na si Kobe Paras, sa kanilang paglalagalag sa Bali, Indonesia.

Sa pamamagitan ng kaniyang sunod-sunod na Instagram stories ay ipinamalas ni Paras ang kanilang mga litrato ni Erika. Sa todo raw ng public displays of affection (PDA) ng dalawa ay mahihinuhang magkarelasyon na sila.

Si Kobe ay anak ng basketball player at komedyanteng si Benjie Paras kay Jackie Foster habang si Erika naman ay anak ni Sabado Night sexy star Ina Raymundo.

Sa Instagram post naman ni Kobe, Hunyo 28, makikita ang lambingan nila ni Erika sa comment section.

"From Bali with love," saad sa caption.

Nagkomento naman dito si Erika.

"You got a great photographer."

Tugon naman ni Kobe, " I really do! thank you Ms. Photographer."