Kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ni Tantan Nagaño matapos niyang ibahagi ang pagdadala at pagpapasok nila ng dalawang kalderong puno ng sinaing na kanin, sa isang fast food chain.

Ayon kay Tantan na taga-Nueva Ecija, pagdating sa entrance ng sikat na fast food chain ay binuksan nila ang takip ng mga kaldero at ipinakita sa security guard. Hindi naman daw sila pinagbawalan ng sekyu at pinayagan silang ipasok ang mga kanin.

Agad naman silang umorder ng Chicken Joy at saka nilantakan ito bilang ulam sa mga kaning dala nila. Taob na taob daw ang laman ng dalawang kaldero dahil sa kanilang chibugan.

Pahayag ni Nagaño, kulang ang pera nilang pambili ng extra rice kaya nagbaon na lamang sila ng kanin upang masulit ang kanilang biniling fried chicken.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagpasalamat din ang magtotropa sa management ng fast food chain dahil pinayagan silang gawin ito.