Isang estudyante mula sa Misamis Oriental ang sinopresa ang kanyang ama sa mga medalyang natanggap niya sa pagtatapos niya ng junior high school sa Naawan National Highschool.

Sa uploaded video sa Facebook ni Sheila Bartolaba Rebayla, 16, binigyang parangal rin nito ang kanyang ama na si Leonardo, matapos niyang umuwi mula sa kanilang Moving-Up Ceremony.

"Although I am aware that I still have a long way to go, I want to thank you for always being our pillar of strength, cheerleader, and staunchest ally," caption ni Rebayla sa kanyang Facebook post.

Sa pagtatapos ni Rebayla, nakatanggap siya ng tatlong parangal: General Excellence Award, Leadership Award, Academic Excellence Award as With Honors.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Pagbabahagi ng honor student, isa sa naging mahalagang pundasyon niya kaya natanggap niya ang mga parangal na iyon ay dahil sa mga magulang niya.

Aniya, "Para po sa mga magulang ko, gusto ko pong magpasalamat sa suporta at pagmamahal nila sa amin. Alam ko na hindi ako hahantong kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sa kanila."

"At kahit hindi ko pa man alam ang future na dadating sa buhay ko, gusto ko pong sabihin sa kanila na 'rest assured' dahil ang future na iyon ay tiyak na ikaliligaya nila," dagdag pa niyang mensahe para sa kanyang mga magulang.

Pinaplano ni Rebayla na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Mindanao State University sa Nawaan, sa ilalim ng strand na Science, Technology, Engineering and Mathematics o STEM.