Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Martes ng gabi pansamantalang isinaraang Outpatient Department (OPD) ng Ospital ng Cabuyao sa Cabuyao City, Laguna mataposmagpositibosa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang ilang healthcare workers nito.

Ayon sa DOH, nakumpirma nila sa pamamagitan ng National Patient Navigation at Referral Center at Center for Health Development 4A, na ang OPD ngospital ay pansamantalang isinara simula noong Lunes, Hulyo 11 matapos na magpositibo sa virus ang anim na staff nito.

Kaagad naman umanong pinagkalooban ng kaukulang lunas at pangangalaga ang mga pasyenteng health workers.

Pansamantala ring inilipat ang konsultasyon ng mga pasyente sa emergency room (ER) ng pagamutan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol