Inanunsyo ng 'Drag Race Philippines' na ang magiging host nito ay walang iba kundi si Dabarkads Paolo Ballesteros, na sikat na sikat sa kaniyang kahanga-hangang make-up transformation skills.

"MABU-HEYYY! Meet your HOST of @dragraceph: @pochoy_29! 👑🇵🇭 Start your engines, #DragRacePH premieres August 17th on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada (Canada)," saad sa Instagram post ng Drag Race PH, Hulyo 12.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Masayang ibinahagi ni Paolo sa kaniyang Instagram account ang teaser ng naturang show, gayundin ang kaniyang mga litrato.

Agad na nagpahatid ng pagbati sa kaniya ang celebrity friends gaya nina Rajo Laurel, Kaladkaren Davila, kasamahang Eat Bulaga host na si Maja Salvador, Ryzza Mae Dizon, at maging si Unkabogable Star at host ng katapat na "It's Showtime" na si Vice Ganda.

Mas naitampok pa ang husay ni Paolo sa make-up transformation sa pelikulang "Die Beautiful" kung saan nanalo siya Best Festival Actor.

Mapapanood na umano ito sa Agosto 17 sa "Wow Presents Plus".