Sa panibagong Instagram post, may mensahe sa singer-actor na si Janno Gibbs para sa mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

"The elections are long over. There are no more sides now. We are all back to being just citizens. After all, the new govt's victory or failure will be our country's as well," sey ni Janno sa kaniyang inupload na quote card nitong Lunes, Hulyo 11.

Dagdag pa ng aktor dapat daw ay makinig kay Pangulong Marcos, Jr. sa panawagan nitong "unity" o pagkakaisa.

"The call of PBBM is for Unity. So listen to him and stop referring to us as the other side. It seems you think the new govt should only serve those who voted for them," sey niya.

National

Payo ng DOH na vidyokol muna sa sex para iwas-mpox, umani ng reaksiyon

"You are not the Philippines. We all are."

Ang nasabing post ay may caption na #PagkakaisaHindiPagkaisahan. 

Matatandaan na si Janno ay tagasuporta ni dating Bise President Leni Robredo noong tumakbo ito bilang pangulo sa nagdaang eleksyon 2022.

Kamakailan lamang ay tila pinangaralan siya ng isang abogado dahil sa pahayag niya tungkol sa buwis.

Sa kaniyang deleted Instagram post noong Hunyo 29, sinabi niya na ang pinakakawawa raw sa mga nagbabayad ng buwis ay middle class. May caption ang kaniyang IG post na “Buwis-et!”

“Bayaran na naman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa middle class, walang takas,” ayon sa art card na pinost niya.

“Buti na lang wala akong trabaho,” pabirong hirit ng singer-actor.

Gayunman, tila hindi sang-ayon si Atty. Nick Nañgit sa naging pahayag ng aktor.

“SPOTTED TANGA,” panimula nito sa isang Facebook post noong Hulyo 3.

“Anong tax yan e simula pa lang ng buwan? Kung withholding tax yan, e recipient ka lang, so ang payor ang mag wi-withhold ng tax. Bakit mo poproblemahin? Maka mema ka, wagas!” saad pa niya.

Patutsada pa ni Nañgit dapat pasalamatan ng aktor si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa agarang pagpasa ng Train Law.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/07/janno-pinangaralan-ng-isang-abogado-kahit-wala-kang-trabaho-nagbabayad-ka-pa-rin-ng-buwis/