Hindi makapaniwala ang anak ni Doug Kramer na si Kendra matapos magkaroon ito ng interaksyon kay Nayeon, member ng girl group na Twice, matapos i-repost Korean pop idol ang Instagram reels niya.

Sa IG story ni Nayeon, bumida ang reels ni Kendra na kung saan ay nag-dub cover ito ng side track ng k-pop idol na "No Problem."

"I can’t breath! This is truly a dream come true to have your favorite K-pop idol repost your reel! Forever a fan of yours @nayeonyny! I’m keeping this on my feed so i’ll never forget this moment!" ani Kendra sa Instagram post nito.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Samantala, ilang araw lamang matapos ang 13th birthday ni Kendra, hindi na nito napigilan ang tuwang nararamdaman niya nang makatanggap siya ng signed album ni Nayeon.

Hindi naitago ang pagka-overwhelm ni Kendra sa regalong natanggap, na ngayon ay naging pinakaespesyal sa lahat ng K-pop albums na nakolekta niya.

"I dubbed the song 'No Problem' on my Instagram account. It's part of her solo album and I'm very happy because she's my bias in TWICE. I like her a lot," ani Kendra.

Matatandaang inilabas ni Naeyon ang first-ever solo album nitong "Im Nayeon" noong Hunyo 24, na may main track na "Pop" at side tracks na "No Problem," "Love Countdown," "Candyfloss,""All or Nothing," "Happy Birthday To You," at "Sunset."