Muling kinareer ni Annel Ramones, ang "ultimate rich at supportive tita," ang mall bonding nito ng kanyang pamangkin na si Miggy upang i-celebrate ang graduate nito.

"eh mag celebrate nmn dw kmi ng graduation nia,,,, oh goW mag mumukbang ka dyan 4 todays videow!" ani Ramones sa kaniyang Facebook post.

Aliw ang hatid ni Annel sa netizens dahil hindi lamang ang outfit nito ang kinagiliwan nila kundi ang game na game na mga guwardiya na nakisabay sa pakulo ni Annel at binantayan pa ang mag-tita.

Matatandaan na noong Hunyo 30, 2021, nag-trending si Annel sa post niya bilang all-out rich at supportive tita nang daluhan niya ang recognition ni Miggy upang sabitan ito ng medal.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

"Hahaha sasabitan ko daw siya ng medal eh," caption ni Annel sa kanyang post na may pabiron hashtags na #ZoomRecognition, #UlirangTitaAward, #Madam, #MayAriNgSchool, #MagkanoKaungLahat, at #NameUrPrice.

Ngayong taon, muli na naman siyang nagbalik sa kanyang role bilang all-out rich at supportive tita noong Hunyo 28, sa graduation naman ni Miggy.

"Ang pagbabalik! Whahdhja eh graduation naman daw niya ngayon, syempre 'di naman tayo papayag magpakabog 4 todays videownavility!?" ani Annel sa kanyang Facebook post.