Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip na ng GMA Network ang ilang behind the scenes ng inaabangan nang Pinoy adaptation ng sikat na Korean drama series na “Start-Up” sa pangunguna nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Ilang serye ng larawan ang ibinahagi ng GMA Network sa kanilang Instagram, Lunes, kung saan makikita ang ilang eksena nina Bea na gaganap na si Dani at Alden na na magbibigay buhay sa karakter ni Tristan.

Sa mga larawan, makikita rin na hands-on ang direktor ng adaptation na si Direk Jerry Sineneng.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ilang fans naman ng sikat na serye at ng dalawang Kapuso stars ang nagpahayag na ng excitement para sa nalalapit na pag-ere ng brand new adaptation.

Ang sikat na Kdrama series ay isa sa pinakamalaking serye noong 2020 na pinangunahan ng maningning na Korean stars sa pangunguna nina Bae Suzy, Nam Joo-hyuk at Kim Seon-ho.