Nagpahatid ng pasasalamat si dating Ifugao representative at senatorial candidate Teddy Baguilat, Jr. sa mga volunteers na nagbigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng flash floods at mudslides sa Banaue, Ifugao kaugnay ng sunod-sunod na buhos ng malakas na pag-ulan, lalo na sa Angat Buhay Foundation at Department of Social Welfare and Development o DSWD ng pamahalaan.

Ayon sa tweet ni Baguilat, Hulyo 11, "Maraming salamat sa agarang pag responde Angat Buhay Foundation sa aming pangangailangan. Salamat sa mga volunteers na tumulong. Let me be clear na maraming tumulong kasama na din DSWD."

Nilinaw din ni Baguilat na pagdating sa pagresponde sa panahon ng krisis, isantabi na sana ang mga kompetisyon.

"Walang competition pagdating sa tulong sa crisis," aniya.

National

Bong Go, itinangging sangkot sa drug war ni Ex-Pres. Duterte: ‘Di ako nakikialam diyan!’

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1546295659245948928

Matatandaang naisyu ang Angat Buhay Foundation dahil sa isang retrato kung saan makikita ang ilang mga kahon ng food packs na may nakatatak na "DSWD". Pinaratangan ang bagong tatag ng non-government organization ni dating Vice President Atty. Leni Robredo na "credit grabber".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/angat-buhay-pinaratangang-inagawan-ng-kredito-ang-dswd-sa-food-packs-para-sa-banaue/">https://balita.net.ph/2022/07/10/angat-buhay-pinaratangang-inagawan-ng-kredito-ang-dswd-sa-food-packs-para-sa-banaue/

Bagay na sinansala naman ni DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos maglabas ng paglilinaw na hindi ipinadadaan sa mga NGOs ang mga relief good na ipinamamahagi ng departamento kung hindi direkta na itong ipinamimigay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/tulfo-pumalag-dswd-food-packs-ipinamigay-sa-pamamagitan-ng-angat-buhay/">https://balita.net.ph/2022/07/10/tulfo-pumalag-dswd-food-packs-ipinamigay-sa-pamamagitan-ng-angat-buhay/