Binabantayan ngayon ng weather bureau ng pamahalaan ang namataan low pressure area (LPA) sa bahagi ngMindanao dahil sa posibilidad na maging bagyo.

Ayon kay weather forecaster Benny Estareja ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng maging bagyo ang LPA habang ito ay nasa karagatan. 

"Mga Tuesday at Wednesday doon mataas ang tiyansa," sabi nito.

Huling namataan ang LPA sa layong 685 kilometro hilagang silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o nasa layong 690 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Ang naturang LPA at southwest monsoon o habagat ay magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras.