Nilinaw ng social media personality at vlogger na si Zeinab Harake na wala raw siyang bagong jowa sa kabila ng mga kumakalat na larawan na may kasama siyang isang lalaki. 

Sa Twitter noong Huwebes, Hulyo 7, may tweet siya na kasama ang  isang lalaking nakakulay itim na damit at hawak-hawak ang kaniyang baywang.

"Looking for the right mr. black? shh," sey ni Zeinab. Hindi rin malinaw kung sino nga ba ang lalaking kasama niya sa larawan.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

https://twitter.com/ZeinabHarake11/status/1544916144552820737

Nawindang tuloy ang mga netizens kung ito na ba ang bagong jowa ng vlogger.

Pero agad namang nilinaw ni Zeinab na wala pa siyang jowa.

"La pako jowa ha kumalma kayo dami nyo kasi issue makasama ko lahat issue sa inyo eh kalmahan lang natin pano maluluto good lovelife ng ina nyo nyan," sey niya sa panibagong tweet.

https://twitter.com/ZeinabHarake11/status/1544916793872945154

Matatandaan na halos kasabay ng kainitan ng halalan noong Mayo 9 ay ang pasabog na rebelasyon ng YouTuber na si Zeinab Harake na hiwalay na sila ulit ng karelasyong si Skusta Clee o Daryl Borja Ruiz, sa Mother’s Day episode ng Toni Talks ni Toni Gonzaga noong Mayo 8.

Naging emosyunal si Zeinab, 23, sa pagbabahagi ng masasakit na karanasan niya sa buhay bilang isang ina at partner kay Skusta na ilang beses na ring dumaan sa alanganin ang kanilang relasyon.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/