Pinatutsadahan ni dating Presidential spokesperson Harry Roque ang mga Dilawan, Pinklawan, at CPP-NPA na nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa inaugural souvenir ni President Bongbong Marcos.

Usap-usapan sa social media kamakailan ang inaugural souvenir ni President Marcos Jr. na ibinigay sa ilan sa mga dumalo ng kaniyang inagurasyon sa National Museum noong Hunyo 30.

Ayon sa ilang mga netizens, gawa raw ito sa 'kontrobersyal' na tallano gold.

Sa isang tweet nitong Martes, Hulyo 5, pinatutsadahan ni Roque ang mga nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa souvenir.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

"To Dilawan, Pinklawan and CPP-NPA: stop the disinformation and fake news!" ani Roque.

"The tokens given during the inaugural dinner were made of ceramic painted in gold. Please stop the negativity, hatred and do move on!" dagdag pa niya.

https://twitter.com/attyharryroque/status/1544139148722073600