Blessed and grateful ang TV host-actress na si Maine Mendoza sa kaniyang pitong taon sa industriya ng showbiz.

"7 years today. So blessed and forever grateful to be living this life," sey ni Maine sa kaniyang tweet nitong Lunes, Hulyo 4.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

https://twitter.com/mainedcm/status/1543958016562962432

Sa hiwalay na tweet, nagpasalamat siya sa mga fans na nakaalala ng kaniyang anibersaryo sa showbiz.

"Before this day ends, I just want to say thank you to everyone who greeted and remembered. Maliit na bagay man sa iba pero malaking bagay sa akin – kaya maraming salamat sayo. Maraming salamat sainyo," sey ng aktres.

https://twitter.com/mainedcm/status/1543988065781555201

Bago maging TV host at actress, nakilala si Nicomaine Dei Capili Mendoza o mas kilala bilang Maine Mendoza dahil sa video sharing application na "Dubsmash" na kung saan sumikat ang ilang Dubsmash videos niya na nire-reenact ang boses ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Nagsimula ang pagpasok niya sa showbiz noong Hulyo 4, 2015 nang mapabilang siya sa 'Problem Solving' segment ng Eat Bulaga bilang "Yaya Dub."

Mas nakilala siya sa Eat Bulaga nang ma-out of character ito nang makita on-screen ang artistang si Alden Richards for the first time. Dahil dito, nabuo ang kanilang loveteam na "AlDub" na sinubaybayan ng mga tao sa buong Pilipinas.