Inaasahang papalo na sa mahigit₱360 milyon ang maaaring mapanalunang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa susunod na bola nito sa Miyerkules ng gabi, Hulyo 6.

Sa paabiso ng PCSO nitong Martes, nabatid na wala pa ring pinalad na makahula sa six-digit winning combination ng Grand Lotto 6/55 na 42-06-09-29-33-01 na binola noong Lunes, Hulyo 4, kaya’t wala pa ring nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na₱341,149,702.40.

Magke-carry over naman ang naturang premyo, na batay sa jackpot estimates ng PCSO, ay maaaring umabot na sa mahigit₱360 milyon.

Samantala, inaasahang madaragdagan din at aabot na sa mahigit₱21 milyon ang maaaring mapanalunang premyo sa Mega Lotto 6/45 na bobolahin rin sa Miyerkules ng gabi.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ayon sa PCSO, wala ring nakapag-uwi ng jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na₱17,790,627.40 na binola noong Lunes, dahil wala ring nakahula sa six-digit winning combination nito na 04-33-07-40-21-06.

Patuloy pa rin namang hinihikayat ng PCSO ang publiko na tangkilikin ang kanilang mga palaro, partikular na ang lotto, upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na lotto millionaire at makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang Mega Lotto 6/45 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.