Inamin ng aktres at talent manager na si Annabelle Rama na noong kabataan niya ay nahilig siya sa pagpapagayuma at pagkonsulta sa mga manghuhula.

Naganap ang pag-amin ni Annabelle bilang hurado sa "Showtime Sexy Babe" noong July 2 episode, kung saan, inamin niyang halos maubos ang kaniyang mga ipon magayuma lamang ang mister na si Eddie Gutierrez noon.

Wala umanong napala si Annabelle subalit makalipas ang sampung taon, nahulog din naman si Eddie sa kaniya, kahit wala naman siyang ginamit na gayuma rito.

Kaya payo ni Bisaya sa madlang pipol, kung talagang nais makamit ang isang tao o ang isang bagay, hindi gayuma ang sagot dito kundi dasal. Ipakita rin umano ang tunay na pagmamahal at pagpapahalaga upang mahalin ng isang tao.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

May disclaimer naman si Annabelle na sana raw, huwag magalit sa kaniya ang mga manghuhula at nagbebenta ng gayuma. Batay lamang daw ito sa kaniyang karanasan.