Tila nilektyuran ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza ang actress-dancer na si Ella Cruz dahil sa naging pahayag nito tungkol sa kasaysayan. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 2, nagpost ng open letter si Gaza para sa aktres.

 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Dear Gabriela, First of all, I miss you. Pangalawa, I respect your opinion. As the "Pambansang Marites" ng Pilipinas, let me educate you sa pagkakaiba ng HISTORY, TSISMIS at HISTORICAL REVISIONISM," sey ng umano'y Pambansang Marites.

"HISTORY — Si Xian Gaza ay business partner ni Ella Cruz, sila ay matalik na magkaibigan. Si Xian ay family friend ng kanyang pamilya. Si Xian ay nabaliw kay Ella, minahal niya ito ng sobra. Palagi silang magkasama from October to December 2016. Nilibre niya ito sa iba't-ibang restaurant for 3 months at binigyan ng kung anu-anong regalo including iPhone 7 na kulay pink. Nilibre niya din ito ng tandem skydive sa Bantayan Island, Cebu," dagdag pa niya.

"TSISMIS — Si Xian Gaza ay ex-boyfriend ni Ella Cruz. HISTORICAL REVISIONISM — "Si Xian Gaza ay stalker ng anak ko! Iniscam niya ang buong pamilya namin! May pa-billboard billboard pang nalalaman eh scammer naman!" pangangaral pa umano ni Gaza.

"See the difference now? with love, XIAN GAZA."

Matatandaan na noong Hunyo 16, ibinahagi ni Gaza kung paano siya nakilala bilang isang scammer sa Pilipinas dahil sa apat na tao kabilang ang nanay ni Cruz.

“Nag-issue ako ng 11 post-dated checks tapos walang pondo kaya tumalbog lahat. That’s it. Ganun lang kababaw. It’s not even a crime sa abroad. Inexaggerate lang talaga sa social media,” sey niya.

Aniya, apat na araw matapos mag-viral ang kaniyang coffee date billboard para kay Erich Gonzales, nakilala umano siya bilang scammer sa Pilipinas dahil sa apat na tao.

“Una, nanay ni Ella Cruz. Iniscam ko daw ang kanilang pamilya kahit hindi naman talaga. Sa katunayan eh higit 300K pesos ang napakinabangan nila sa akin in 3 months time. Hindi ko madepensahan ang aking sarili kasi sino ba naman ako? Sino’ng maniniwala sa akin eh nanay yun ng isang sikat na artista. From that day eh sinumpa ko sa aking sarili na magiging sikat din ako balang araw kagaya ng mga artista," paglalahad niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/16/xian-gaza-inalala-ang-pagsuko-niya-noon-sa-pulis-dahil-sa-umanoy-investment-scam/

Samantala, sa hiwalay na Facebook post, ibinahagi ni Gaza ang ilan sa mga larawan nila ni Cruz na kung saan makikita na tila close na close ang dalawa.