Inaasahang aabot na sa mahigit₱335 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa susunod na bola nito bukas ng gabi, Lunes, Hulyo 4.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo na wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination ng Grand Lotto 6/55 na 13-31-41-35-09-25 na binola nitong Sabado ng gabi, kaya’t walang nakapag-uwi sa katumbas na jackpot prize na₱320,667,244.80.

Inaasahan namang madaragdagan pa ang naturang premyo at aabot na sa mahigit P335 milyon sa susunod na lotto draw.

Mayroon namang 56 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱100,000.00 na second prize para sa limang tamang numero; 3,260 na nanalo ng tig-₱1,500.00 na third prize para sa apat na tamang numero at 65,897 na nanalo ng tig-₱60.00 na fourth prize para sa tatlong tamang numero.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, sinabi rin ng PCSO na ang premyo ng Mega Lotto 6/45 na bobolahin rin sa Lunes ng gabi ay aabot na sa P15 milyon habang ang jackpot prize naman ng Lotto 6/42 na bobolahin sa Martes ng gabi ay aabot na sa₱31 milyon.

Patuloy pa rin namang hinihikayat ng PCSO ang publiko na tangkilikin ang kanilang mga palaro, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng tiyansang magiging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Mega Lotto 6/45 naman ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.Ang Lotto 6/42 naman ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.