Pumukaw sa pansin ng lahat ang isang mag-aaral na bagong graduate mula sa Don Mariano Marcos Memorial State University-Mid La Union Campus dahil rumampa siya sa graduation ceremony nila noong Hunyo 23, na nakasuot ng 'couture toga gown' at may nakasulat na 'GRATIAS MAMA ET PAPA'.

Sa likod naman, mababasa ang "K-12 First Batch".

Ayon sa ulat, pasasalamat umano ito ni Milljan Fontanoz, graduate ng kursong Business Administration, sa kaniyang mga magulang na buong-buo ang suporta sa kaniya, lalo na sa kaniyang Papa na hindi umano ipinaramdam sa kaniya ang diskriminasyon kahit siya ay miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ayon pa kay Milljan, kilala siyang kabogera sa kanilang paaralan lalo na kapag may event. Hindi na umano bago ito sa kaniya. Paglilinaw pa niya, pinayagan naman daw siya ng pamunuan ng paaralan na isuot ito, subalit pinili na rin ni Fontanoz na gawin ito sa processional at exit lamang, at hindi mismo sa programa at pag-akyat sa entablado, bilang pagbibigay-galang na rin sa seremonya.

Human-Interest

Albay LEPT topnotcher nagbigay ng tips sa mga susunod na board exam takers!

Nagbigay naman siya ng mensahe sa mga kagaya niyang mahilig sa sining.

"Ipagpatuloy lang natin 'yan dahil malaki ang impact niyan sa buhay natin," sey ni Fontanoz.