Ibinahagi ng dating senador na si Kiko Pangilinan ang kaniyang unang araw ng pagiging "private citizen" sa end of term niya noong Hunyo 30.

Ayon sa kaniyang tweet noong Hunyo 30, ang unang ginawa niya bilang pribadong mamamayan ay makipag-bonding sa kanilang mga anak ni Megastar Sharon Cuneta na sina Kakie, Miel, at Miguel.

"First day as (a) private citizen. Doing the grocery bonding with the kids. A Daddy and kids bonding tradition since KC was 11," aniya.

Sa kaniyang selfie, namataang nasa loob ng isang grocery store ang mag-aama. Ayon sa naging vice presidential candidate, tradisyon na ito ng kanilang pamilya simula noong 11 anyos pa lamang si KC Concepcion.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

"Unang araw bilang private citizen at bonding kasama ang mga bata sa grocery. Ayos na ang buto-buto!" pahabol pa ni Pangilinan.

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1542491161491025921

Si KC ay anak nina Sharon Cuneta at aktor na si Gabby Concepcion.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Sir happy po ako na you get to spend more of your time with your family after working so hard for our country, for our farmers, and fisherfolk. Mabuhay po kayo Sir Kiko."

"Enjoyin n'yo po Sen. Kiko the precious moments ninyo. God bless you po."

Matatandaang end of term na ni Pangilinan bilang senador at nabigo rin siyang magwagi sa nakaraang halalan.