Tinatayang aabot na sa₱318 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mamayang gabi, Sabado, Hulyo 2, 2022.

Matatandaang walang nakahula sa six-digit winning combination na07-09-51-02-24-39 ng Grand Lotto 6/55 na binola noong Miyerkules, Hunyo 29, 2022 kaya’t hindi naiuwi ang katumbas nitong premyo noon na₱298,452,472.00.

Sinabi ng PCSO na magke-carry over naman ang naturang premyo at inaasahang aabot na sa₱318 milyon sa susunod na pagbola dito mamayang alas-9:00 ng gabi.

Samantala, ang jackpot estimates naman ng PCSO sa Lotto 6/42 na bobolahin rin mamayang gabi ay nasa₱22 milyon na.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Aabot naman sa₱15.8 milyon ang jackpot estimates sa Super Lotto 6/49 na bobolahin naman ng PCSO sa Linggo ng gabi.

Kaugnay nito, hinikayat ng PCSO ang publiko na tumaya na sa lotto upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, habang ang Lotto 6/42 naman ay binubola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.Ang Super Lotto 6/49 naman ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.