CAMP OLA, Albay -- Inaresto ng  Police and Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents ang dalawang hinihinalang drug pusher at nasamsam ang mahigit P3-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang anti-drug operation sa Goa, Camarines Sur nitong Biyernes, Hulyo 1.

Kinilala ni Police Major Malu Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office (PRO)-5 (Bicol), ang mga suspek na sina Naneth F. Obias, 33, at Anthony R. Ariola, 23, parehong residente ng Zone 3, Barangay Matacla, Goa.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang plastic bag na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng hindi bababa sa 510 gramo at nagkakahalaga ng P3,468,000.

Sinabi ni Calubaquib na si Obias ay nakalista sa provincial recalibrated priority database sa ilegal na droga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Si Naneth Obias ay identified to be drug pushing and dealer at saka matagal nang minamanmanan sa provincial level,” ani Calubaquib.

Naaresto ang mga suspek sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ni Judge Maria Angela Acompañado-Arroyo, Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC), Branch 58, San Jose, Camarines Sur.

Dinala ang mga suspek at ang nakumpiskang droga sa Goa police headquarters para sa kaukulang disposisyon. 

Niño Luces