Isang pambihirang tagpo ang ibinahagi ng conservationist na si Jazz Torres Ong matapos mamataan sa wild ang isang King Cobra kamakailan.

Itinuturing ni Ong na “one of the best days” ng kaniyang buhay ang una niyang encounter sa isang buhay na King Cobra noong Hunyo 27 sa Palawan.

Si Ong ang founder ng isang non-profit organization na “Wildlife Matters” kung saan isa sa mga inisyatiba nito ang “King Cobra Initiative” na layong pangalagaan ang parehong species laban sa maling pananaw ng tao, at ang mga komunidad laban sa banta ng makamandag na kagat nito.

“I could not hold back tears because every day there is always a big weight over my heart telling me time is running out for them. Almost every day, another king is killed. I always wonder- how long before there's none left?” saad ni Ong sa kaniyang Facebook post kamakailan.

Human-Interest

Albay LEPT topnotcher nagbigay ng tips sa mga susunod na board exam takers!

Ang tagpo ay nagbigay aniya sa kaniya ng pag-asa para sa endangered species na makikita lang madalas sa mga zoo at wild rescue centers.

Sa huli, nanawagan si Ong sa publiko na suportahan ang kanilang inisyatiba sa pamamagitan ng pag-book ng mga class, pagkuha sa kanila bilang talk points at pagpapalaganap pa sa mas malawak na network ukol kanilang mga kaugnay na hakbang.

“Till the day I die, I will never stop fighting for you. I love you,” saad ni Ong.