Bago ang tuluyang pagbaba sa kaniyang termino, nag-selfie muna sina Senador Bong Go at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malacañang.

Tinawag ni Go ang kaniyang Facebook post na "LAST SELFIE IN PALACE."

"Ilang minuto bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakipag-selfie si Senator Bong Go sa kanyang idolo," saad sa caption ng Facebook post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Sinabi ni Senator Go na ang Pangulo ang humubog sa kaniya para maging lingkod-bayan na laging handang magserbisyo at may malasakit sa lahat, lalo na ang mga higit na nangangailangan."

"Tiniyak din ng senador na ipagpapatuloy ng Pangulo ang paglilingkod sa mga Pilipino sa anumang kapasidad bilang pribadong mamamayan."

Bukod kay Digong ay nag-selfie rin sina Go at ang miyembro ng gabinete ng dating pangulo.

"JUST LIKE THE OLD TIMES," saad naman sa pamagat ng FB post.

Masaya umanong nagpasalamat ang dating pangulo sa kaniyang mga naging kalihim na nakasama niya sa anim na taong paglilingkod sa kaniyang administrasyon.

Inalala rin umano nila ang naging pagsisimula ng administrasyon, anim na taon na ang nakalilipas, mga pagsubok na pinagdaanan, at ang mga tagumpay sa paghahatid ng mga pagbabago at komportableng buhay sa lahat ng mamamayan.

Hindi dumalo ang dating pangulo sa inagurasyon ni Pangulong Bongbong Marcos dahil uuwi na umano ito sa Davao City.