Nangako si President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na hindi umano niya bibiguin ang sambayanang Pilipino sa susunod na anim na taon.

Sa kaniyang inaugural address nitong Huwebes, Hunyo 30, binanggit ni PBBM na wala siyang nasaktan sa kaniyang mga naging kalaban noong panahon ng kampanya. 

"By your vote, you rejected the politics of division. I offended none of my rivals in this campaign," ani Marcos Jr.

"I listened instead to what they were saying and I saw little incompatibility with my own ideas about jobs, fair wages, personal safety, and national strength and unending want in a land of plenty," dagdag pa niya. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I believe that if we but focus on the work at hand and the work that will come to hand, we will go very far under my watch. You believe that too. At pinakinggan ko ang tinig ninyo na ang sinisigaw ay “pagkakaisa, pagkakaisa, pagkakaisa."

Ayon pa sa bagong pangulo na hindi siya naroroon upang pag-usapan ang nakaraan kundi sabihin ang tungkol sa hinaharap.

"I am here not to talk about the past. I am here to tell you about our future. A future of sufficiency, even plenty of readily available ways and means to get done what needs doing by you, by me. We do not look back but ahead," aniya.

"Your dreams are mine. Pangarap niyo ay pangarap ko. How can we make them come true? How can we do it together? But I will take it as far as anyone with the same faith and commitment can as if it depended entirely on himself. 

"Sa pangarap na maging mapayapa ang ating bansa, ang pangarap niyo ay pangarap ko. Sa pangarap na maging maunlad ang ating bansa, ang pangarap niyo ay pangarap ko. At sa pangarap na maging mas masinag ang kinabukasan natin at ng ating mga anak, ang pangarap niyo ay pangarap ko," saad ng ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Nagbigay naman ng pag-asa si Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino.

"You will not be disappointed, so do not be afraid. With every difficult decision that I must make, I will keep foremost in my heart and my mind the debt of gratitude I owe you for the honor and responsibility you have conferred on me," aniya.

"I will try to spare you; you have your other responsibilities to carry. But I will not spare myself from shedding the last bead of sweat or giving the last ounce of courage or sacrifice.”

"And if you ask me why am I so confident of the future? I will answer you simply that I have 110 million reasons to start with. Such is my faith in the Filipino.

“Believe. Have hope. The sun also rises like it did today, as it will tomorrow. And as surely as that, we will achieve the country all Filipinos deserve. God bless the Philippines, God bless our world,” paglalahad pa niya.