Pinangasiwaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mass oath-taking ng mga bagong miyembro ng Gabinete at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Nanumpa kay Marcos ang kaniyang mga Cabinet secretaries kabilang dito si Vice President Sara Duterte, na mamumuno sa Department of Education (DepEd). Napakuha naman ng litrato ang mga pamilya ng bawat Cabinet secretary kay Marcos at sa kaniyang asawa na si Liza Araneta-Marcos.

Inilarawan ni Marcos ang oath-taking ng kaniyang mga Cabinet secretary bilang isang "formality" na kailangang tapusin upang makapagdaos sila ng kanilang unang Cabinet meeting sa Biyernes, Hulyo 1.

Ayon kay Marcos, ang unang pagpupulong ay magiging "unang opisyal na gawain ng kaniyang administrasyon."

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Pinangunahan din ni PBBM ang mass oath-taking ng mga opisyal lokal na pamahalaan mula sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Ang kaniyang anak na si Sandro ay nanumpa rin sa kaniya bilang Representative mula sa unang distrito ng Ilocos Norte.