Ibinahagi ng isang netizen mula sa Davao City na si Faith Roleen na naispatan niya si Vice President Sara Duterte na bumibili sa isang convenience store habang nakasuot ng green gown at naka-tsinelas lamang.

Ilang oras matapos ang inagurasyon noong Hunyo 19 ay nagtungo raw sa convenience store si Inday Sara. Nagulat umano ang netizen nang makita niya ito sa loob ng convenience store dahil nagkataong naroon din siya.

Napansin ni Faith na nakasuot na lamang ng tsinelas ang dating mayor ng Davao City at ngayon ay pangalawang pangulo na.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Aniya, hindi raw nangimi si VP Sara na magpakuha ng litrato sa kaniya.

"Very cool. our very own VP. VERY PROUD Dabawenya here," saad pa ng netizen.