Bumaba na umano ang kaso ng African swine fever (ASF) sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA).

Sa pahayag ni DA Assistant Secretary Reildrin Morales, 36 na barangay na lamang ang kanilang binabantayan mula sa dating 3,873 noong Hunyo 15.

Aniya, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapababa pa ang kaso ng ASF sa Pilipinas.

Matatandaang kumalat ang sakit sa ilang lugar sa South Cotabato kamakailan.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Mahigit sa 400 na baboy ang kinatay sa Banga at Surallah sa lalawigan upang hindi na lumaganap pa ng sakit.

Bukod sa South Cotabato, tinamaan din ng ASF ang 16 na bayan at lungsod sa Ilocos Norte kamakailan.

Kaugnay nito, hinihintay na lamang ng DA ang bakuna laban sa ASF upang matulungan ang mga magbababoy laban sa epekto ng African swine fever.