BATANGAS — Patay ang isang hepe ng pulisya sa isang bayan ng Batangas matapos mabangga ang minamaneho niyang sport utility vehicle (SUV) sa isang 10-wheeler truck sa Barangay Tulo sa bayan ng Taal noong Miyerkules ng umaga, Hunyo 29.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Major Amiel Bernardo Sanhi Jr., nakatalaga sa Lian Municipal Police Station, at residente ng Barangay Calicanto sa Batangas City, dahil sa mga sugat na natamo nito.

Kinilala ang driver ng 10-wheeler truck na si Salvador Segfred na naaresto ng mga rumespondeng pulis.

Ayon sa Taal Philippine National Police, patungo sa Batangas City ang biktima nang mangyari ang banggaan dakong 12:50 a.m.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kinuha na ng pulisya ang imbestigasyon.