Hindi papahuli sa biritan at pagpito ang tinaguriang “Asia’s Phoenix” na si Morissette Amon na kumasa rin sa isa sa pinakamahirap na kanta ng “Songbird Supreme” at multi-awarded American singer-songwriter na si Mariah Carey.

Isang plakadong whistle tone ang itinapat ni Morissette kay Mariah para sa nauusong “Love Takes Time” challenge sa TikTok kung saan kailangan makipagsabayan ang sinumang magtatangka sa bridge ng kanta na kilala sa extended whistle note nito.

As usual, tila walang ka-effort-effort naman na ginawa ng Kapamilya singer ang naturang challenge habang komportableng nakahiga pa ito.

Hinangaan ng kapwa stars si Morissette matapos niyang ibahagi ang short cover sa Instagram kamakailan.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Kabilang sa nagpahayag ng pagkamangha kay Morissette ang OPM icons na sina Gary Valencinao, at Lani Misalucha.

Naloka rin maging ang “Akin Ka Na Lang” composer na si Kiko Salazar, ang Filipino-American music producer na si Troy Laureta at ang celebrity host na si Tim Yap.

Ibinahagi rin ni Morissette ang partehong video sa TikTok na tumabo na ng mahigit 380,000 views sa pag-uulat.