Tila pasaring ng bandang LILY para sa dating Callalily vocalist at kagrupong si Kean Cipriano ang pinakabagong hirit nito sa social media.

Nagpapatuloy ang search para sa magiging bagong bokalista ng LILY, ang bandang nabuo ng dating mga kagrupo ni Kean sa bandang Callalily matapos nitong kumalas sa grupo at dalhin maging ang pangalan ng banda kamakailan.

Nag-iikot sa iba’t ibang malls sa Luzon ang banda para sa audition ng susunod nilang bokalista na magpapatuloy hanggang sa susunod na dalawang buwan, batay sa kanilang huling update sa Facebook, Martes.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Larawan mula The LILY Music/via Facebook

Samantala, tila nagpasaring naman ang LILY sa dating bokalista nito na si Kean sa isang social media post,

🚨HELP❗️Naghahanap kasi kami ng magandang name ng vocalist na papalit, yung tunog nag-sstay. Suggest kayo dali!” mababasa sa isang Facebook post ng LILY ngayong Martes.

Kuwela namang tinugunan ito ng kanilang followers.

Sa isang panayam kamakailan sa ABS-CBN, inamin ni Kean na nagkaroon na ng lamat ang relasyon niya sa dating mga kagrupo.

“I believe we’re not in good terms. That’s sad, of course. I think in a group na magkakasama for seventeen years, ang dami na ring nangyari. Medyo matagal na rin kaming ‘di okay. Parang ibang chapter na siya for us,” saad ni Kean.

Basahin: Kean Cipriano, bumitaw na sa bandang Callalily; pangalan ng banda, binitbit din – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid