Tila pinagsabihan ng social media personality na si Xian Gaza ang aktor na si Dennis Padilla tungkol sa pagtatampo umano nito sa kaniyang mga anak dahil hindi siya binati noong Father's Day.

Usap-usapan sa social media kamakailan ang Instagram post ng aktor na tila nagpaalala sa kaniyang mga anak na sina Julia, Leon, at Claudia Barretto na nakalimutan nila siyang batiin ng “Father’s Day” noong Linggo, Hunyo 19.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/

Nitong Linggo, Hunyo 26, ay nagpost ng isang open letter si Leon para sa kaniyang ama. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Inamin ni Leon na nagdadalawang-isip siya kung ibabahagi ba niya ang naturang open letter o hindi. Humingi siya ng paumanhin sa ama kung hindi niya ito nabati noong Father’s Day.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/

Kaugnay nito, tila pinagsabihan ni Gaza ang aktor.

"Dennis Padilla, yung Father's Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan," sey niya sa kaniyang Facebook post nitong Linggo.

"Kung wala kang kwentang tatay sa buong taon eh huwag kang mag-expect na babatiin ka ng mga anak mo sa araw nating mga ama," dagdag pa niya.