Emosyonal na ibinahagi ni Tuesday Vargas ang kaniyang hirap at sakripisyo na naging daan sa kung ano na ang kalagayan niya sa buhay ngayon.

Sa isang Instagram post, ikinuwento ng aktres na tuwing namimili siya sa grocery palagi siyang nagdadala ng calculator para makita niya kung pasok pa sa budget ang mga binibili niya.

"Dati kapag namimili ako, bawat piraso ng bawang binibilang ko kung kasya ang pera ko. Nagdadala ako ng calculator (kasi pati telepono ko noon mumurahin lang walang calculator) para makita ko kung pasok pa sa budget.Ni wala akong membership sa kahit anong shopping club," sey niya.

Kuwento pa ni Tuesday, nakakatikim lamang siya noon ng mga imported na grocery items kapag nagpapadala ang kaniyang ina o 'di kaya'y mga kamag-anak na umuuwi rito sa Pilipinas. Dagdag pa niya, batang palengke kasi siya.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

"Nakaka tikim lang ako ng imported na grocery items kapag nagpapa dala ang Mama ko o kaya may kamag anak na umuwi sa Pinas at may pasalubong. Batang palengke talaga ako kung saan lahat de takal at lahat pwedeng tingi tingi lang," aniya.

Gayunman, nagbunga ang kaniyang pagsisikap sa trabaho maging sa pagnenegosyo kaya't unti-unti na siyang nakakabili ng mga bagay na gusto niya.

"Pero dahil masipag ako (as in ilan ang trabaho ko) at dahil sa paycheck ko sa business namin ng essential oils, nakakayanan kong mag tabi para maka bili ng healthy na mga pagkain. Aba ang mahal pala ng mga organic, grass fed chururut. Pero mas mainam kasi kung makaka iwas ka sa sakit in the long run, kailangan mag invest tayo sa katawan natin," seyng aktres.

Aniya pa, marahil simple raw ito sa iba pero para sa kaniya malaking bagay na ito. Nagagawa na niyang bilhin ang mga bagay na wala nang kaba o pag-aalinlangan.

"Pwedeng simple ito para sa iba. Pero kasi po kanina naiiyak ako habang nilo load sa cart ang mga bagay bagay at nagawa ko siyang bayaran galing sa pagod at sakripisyo ko nang di ako kinakabahan sa bawat beep ng kahera," aniya.

"Ang simpleng pag provide sa pamilya ay isang napaka laking source ng pride at joy para sa isang nanay na katulad ko," dagdag pa niya.