Ibinahagi ng TV host at aktor na si Robi Domingo ang kaniyang mga natutunan at naging karanasan sa huling edisyon ng reality show na 'Pinoy Big Brother' matapos ang Season 10 nito kamakailan.

"pamILYa.Hindi ko inakala na pwede pa pala mabago ang depenisyon nito," panimula ni Robi sa isang Instagram post nitong lamang Biyernes, Hunyo 24

"Ito na marahil ang edisyon kung saan ako pinakamaraming beses na umiyak, tumawa, at natuto," dagdag pa niya.

Nagpasalamatdin siya sa naging bahagi ng bahay ni Kuya na naging tahanan na umano nila.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Sa lahat ng naging bahagi ng bahay na ito na naging tahanan na namin, maraming salamat sa tiwala, respeto, at pagmamahal. Magpakatotoo, magpakatao.

"Hanggang sa muli, Kuya."

Kasalukuyan naman siyang bagong host ngsinging competition na Idol Philippines Season 2 na nakatakdang umere ngayong Hunyo 25 at Hunyo 26.

Matatandaan na si Billy Crawford ang naging host sa season 1 ng Idol Philippines.

Nagbabalik naman sa brand new season sina Asia’s Songbird Regine Velasquez at ang most-streamed female artist sa bansa na si Moira Dela Torre. Ipinakilala rin ang mga bagong hurado na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/22/robi-domingo-ipinakilala-bilang-bagong-host-ng-idol-philippines-season-2/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/22/robi-domingo-ipinakilala-bilang-bagong-host-ng-idol-philippines-season-2/