Usap-usapan ngayon ang video ng isang lalaking pabirong naningil kay Senator-elect Alan Peter Cayetano ng 10,000 pisong ayuda, na ipinangako nito noon sa lahat ng pamilyang Pilipino.

Sa naturang video, makikita si Cayetano at misis nitong si Taguig Mayor-elect Lani Cayetano na naglalakad sa isang hindi tinukoy na mall.

Nilapitan ng lalaki si Cayetano at ipinaalala ang pangakong ayuda nito.

"Uy si ano, si ano (Cayetano)… Sir, ₱10K ko, Sir… Sir, ₱10K," anang video uploader. Hindi siya pinatulan ng senador at dumiretso lamang sa kaniyang paglalakad. Hindi na rin siya sinundan ng video uploader dahil may mga bodyguard ito.

National

'Kakasa ka ba?': VP Sara, hinamon ni Rep. Khonghun na magpa-lie detector test

Matatandaang naghain si outgoing Taguig-Pateros representative Cayetano na mabigyan ng ₱10K na ayuda ang bawat pamilyang Pilipino sa kasagsagan ng pandemya noong Mayo 2021. Sa kasawiang-palad ay hindi ito naipasa sa Kamara.

Ayon naman sa mga netizen, ang lalaking video uploader ay maituturing na "pinakamatapang na nilalang" sa buong mundo.