Labis ang pasasalamat ni Gab Valenciano dahil naging bahagi siya ng kampanya nina outgoing Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.

Nagdaos sina Robredo at Pangilinan ng 'Pasasalamat at Salu-Salo' para sa mga artistang nag-volunteer sa kanilang kampanya sa nagdaang eleksyon 2022.

"Thankful. Grateful. Blessed. No matter the circumstance or outcome; no regrets, no doubts, no fear," sey ni Gab sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Hunyo 23.

"We stood for what we truly believed in and that is and always will be more than enough.Let us move forward to bigger, greater and brighter things, and may the Lord bless this beautiful nation exceedingly and abundantly. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay tayong lahat," pagpapatuloy pa niya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Angat Buhay Lahat. Nakaka-excite. Tuloy ang pagtindig."

Matatandaan na si Gab ang gumawa ng chant para sa tandem nina Robredo at Pangilinan na pinamagatang "Ang Presidente Bise Presidente."

Samantala, dumalo rin sa nasabing thanksgiving sina Alora Sasam, Agot Isidro, John Lapuz, Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Janno Gibbs, Mylene Dizon, Jake Ejercito, Noel Ferrer, Chino Liu aka Krissy Achino, Nikki Valdez, Nica del Rosario, at iba pa.

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/05/19/gab-valenciano-matapos-ang-eleksyon-back-to-the-grind/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/19/gab-valenciano-matapos-ang-eleksyon-back-to-the-grind/