Labis ang pagkadismaya ng isang nursing graduate ng Lorma Colleges La Union na si John Marcelino Rosaldo matapos itong hindi payagang umakyat sa stage sa mismong araw ng kanyang pagtatapos noong Hunyo 23, 2022 kahit nakapagbayad naman ito ng graduation fee.

Sa isang viral TikTok video na pinost ng kapatid ni John Marcelino na si Celene Rosaldo, makikitang walang diploma ang kanyang kuya at may caption ito na "di naman masakit" ang nasabing video. Sa sumunod na video, naiyak daw ang nanay ng mga Rosaldo sa sinapit ng kanyang anak.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"Ang pinaka-masakit po dun ay yung itsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma," saad ni Celene sa isang panayam sa Balita Online.

Ibinahagi rin ni Celene sa ang proof of transaction ng kanyang kapatid sa Lorma Colleges isang araw bago ang graduation.

Sa mga retratong ibininahagi ni Celene, makikitang may hawak na diploma si John Marcelino na hiniram lamang nito para sa photo ops.

Bumuhos naman ang suporta mula sa mga netizens at nagpa-abot ng kanilang pagbati para kay John Marcelino. Sa ngayon ay nasa higit 6 million views na ang TikTok video ni Celene.

Hiningi ng Balita Online ang panig Lorma Colleges, bagaman ‘aware’ sila sa viral video, wala pa raw opisyal na pahayag ang pamunuan nito.