Nagluluksa ang Kapuso actress na si Ai Ai Delas Alas sa pagpanaw ng kaniyang adoptive mother na si Justa delas Alas. 

Pumanaw ang kaniyang adoptive mother nito lamang Huwebes, Hunyo 23, sa edad na 93. 

Nag-upload ng video ang aktres sa kaniyang Instagram at nagsulat ng mensahe para sa kaniyang ina.

"Ma mi miss kita MAMA, MOMMY, MOTHER GOOSE, MUDRAKELS , and originally INAY .. 90th bday nya to .. hindi na nya inabot sa july 19 dapat 94 na sya," sey ni Ai Ai.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Dbale mama goodlife ka naman atsaka hindi ka nahirapan sa pag alis mo ( the best ka talaga LORD super pray ako kanina na wag ka mahirapan and hindi nga ).. i love you and thank you sa pag mamahal , pag alaga , at pag papaaral sa akin. Rest ka na mama .. kamusta mo ako kay LORD AND MAMA MARY," dagdag pa niya.

Si Justa ang nagpaaral kay Aiai hanggang makapasok ito sa mundo ng showbiz. Siya ay kapatid ng biological father ni Ai Ai. 

Noong pitong taong gulang Ai Ai nang malaman niya ang tungkol sa kaniyang totoong mga magulang.

Nag-reunite naman sila ng kaniyang biological mother na si Gloria Hernandez ngunit ito ay mayroong Alzheimer's disease at pumanaw noong 2013.