Nagdadalamhati ngayon ang TikTok personality na si Nicole Caluag matapos makunan sa kaniyang unang baby. 

Sa isang vlog na inupload ni Caluag nitong Miyerkules, Hunyo 22, ikinuwento niya na hindi siya aware na buntis siya dahil akala niya ay normal na menstruation lang ang naramdaman niya.

"We lost our baby. Sa totoo lang hindi ko alam, hindi ako aware na buntis ako. Akala ko normal na menstruation ko lang 'yun-- 'yung bleeding ko. 'Yun pala nagmi-miscarriage na ako," kuwento niya.

Ayon pa sa kanya, noong Hunyo 12 ay nagkaroon siya umano ng spotting na inakala niyang period lamang ito. Umabot din sa walong araw ang period niya kaya't kumonsulta siya sa kaniyang sister-in-law na doktor at sinabihan siyang mag-pregnancy test na.  

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, positibo ang kaniyang pregnancy test. Ang inaasahan kasi ni Caluag na negative ito dahil baka nag-extend lang ang kaniyang period. 

Isinagawa ang mga test na kailangang gawin sa kaniya. Kasama niya ang kaniyang ina dahil nasa Estados Unidos sila noong panahon na iyon. 

Umuwi si Caluag sa Pilipinas at itinuloy ang mga gamutan. Ibinahagi niya na noong Hunyo 22, sasailalim siya sa Dilation and Curettage.

"Sinisisi ko yung sarili ko. Parang sabi ko nga kay Bong baka fault ko kasi nag-stress ako, ang dami kong ginagawa sa life, nagta-travel ako na hindi ako aware na may baby na pala. So I'm blaming myself. Kaya I'm sorry my baby..."