Wala pa ring pinalad na magwagi sa mahigit sa ₱247 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.

Dakong alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules nang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Grand Lotto 6/55.

Wala namang nakahula sa six-digit winning combination na 54-10-17-53-39-06 kaya’t wala pa ring nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na ₱247,174,000.80.

Inaasahan namang madaragdagan pa at papalo na sa halos ₱268 milyon ang jackpot prize nito sa susunod na bola kaya't patuloy na hinihikayat ng PCSO ang publiko na tumaya na rin upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo.

Guanzon, overtime sa speech sa COC filing; Comelec humingi ng paumanhin

Samantala, mayroonnamang 23 mananaya ang nagwagi ng second prize na tig-₱100,000.00 matapos na makahula ng tig-limang tamang numero; 1,643 ang nanalo ng tig-₱1,500.00 para sa tig-apat na tamang numero at 38,971 naman ang nakakuha ng palit taya na tig-₱60.00 dahil sa tig-tatlong tamang numero.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.