Matapos tambahan ng hanggang 19 puntos, nagawa pa ring makabangon ng Barangay Ginebra at tinalo pa ang NLEX Road Warriors, 83-75, sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena nitong Miyerkules ng gabi.
Katulad ng inaasahan, kumamada ng 20 puntos si Japeth Aguilar, bukodpa ang pitong rebounds at tatlong blocks.
Binalewala ng Ginebra ang 58-39 na abante ng Road Warriors sa unang bahagi ng 3rd quarter matapos na maputol sa lima ang kanilang kalamangan, 63-58, pagkatapos ng nasabing yugto.
Nang makuha ng Ginebra ang dalawang puntos na abante sa huling bahagi ng laban, hindi na sila pumayag na makontrol pa muli ng NLEX ang laro.
Sunud-sunod na ang naging puntos ng Gin Kings hanggang matapos ang final period.
Bukod kay Aguilar, nagdagdag din ng 17 puntos si Arvin Tolentino at nag-ambag naman ng 15 puntos si0 Scottie Thompson, dagdag pa ang walong rebounds at dalawang blocks.
Taglay na ng Gin Kings ang 3-1 na kartada at umalognaman ang baraha ng NLEX sa 2-2.
Nakatakda ring harapin ng Barangay Ginebra ang sister team na San Miguel sa Biyernes.