Tila may sinasabi ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza tungkol sa magiging baby ng social personalities na sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario.

Sa isang Facebook post ni Gaza nitong Lunes, Hunyo 20, sinabi niya na huwag naman maging kamukha ni Whamos ang magiging anak nito.

"JUSKO HUWAG NAMAN SANA NIYA MAGING KAMUKHA ANG BATA IN JESUS NAME," sey ni Gaza.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"PRAYERS ON THE WAY!" dagdag pa niya sa comment section.

Nagkomento naman umano si Whamos sa naturang post.

"Yon nga din boss ehh.  ayaw ko din talaga makamuka ko baby ko ang sagwa," sey ni Whamos.

"Hahahahaha I like you. Honest ka," reply naman ng Pambansang Marites.

"Dun na tayo sa totoo," sagot ulit ni Whamos.

Samantala, sa hiwalay na Facebook post na kung saan inupload ni Gaza ang screenshot ng naturang comment ni Whamos, nagkomento naman ang social media personality na si Marlou Arizala-- na dati ring pinag-usapan dahil sa pagpaparetoke nito.

"Honest din naman ako kaso wala pa akong anak hehe," sey Marlou.

"Ako kung mag kakaanak ako ok lang kamuka ni idol whamos basta mayaman din ako. sabi mo nga boss dibaling di kagwapuhan basta may kayamanan. kaya mag iipon na ako," dagdag pa niya. 

Sagot naman ni Whamos, "aanhin mo ang kayamanan kung hnd naman masaya ang isang pamilya mas ok padin na kahit walang wala kayo basta magkasama kayo sa masayang pamilya."

Sinagot naman sila pareho ng Pambansang Marites. 

"Marlou Arizala very good. Naa-absorb mo na ang mindset ko, Xander. Naniniwala ako na kahit gaano pa kapangit ang isang tao, basta mapera, nagiging gwapo." 

"Whamos Cruz tama. I agree with you. Pero bakit kailangan maging masayang hampaslupa kung pwede naman pala maging masayang mayaman? Mas madaling maging masaya kung marami kang pera dahil inaalis nito yung 85% ng ating mga problema na humahadlang tungo sa masayang buhay."

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/06/21/whamos-cruz-at-antonette-gail-magkakababy-na-pinag-isipan-namin-nang-matagal-ito/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/21/whamos-cruz-at-antonette-gail-magkakababy-na-pinag-isipan-namin-nang-matagal-ito/