Masayang ibinahagi ng social media personality na si Antonette Gail del Rosario sa kaniyang jowang si Whamos Cruz na magkakababy na sila. Kaugnay nito, may mensahe rin sila sa kanilang bashers. 

Sa isang video na ipinost ni Antonette nitong Lunes, Hunyo 20, ipinakita niya kay Whamos ang dalawang positive na pregnancy test noong June 6.

"Sa totoo lang kasi, actually pinag-isipan namin nang matagal 'to, hindi lang namin basta ginawa 'to. Pinag-isipan namin nang maigi," sey ni Whamos.

"May dumating nanamang blessing sa amin. Sa lahat ng blessing na dumating sa amin ito yung pinakamagandang blessing para sa amin. Magkakababy na kami guys," dagdag pa niya. 

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Naiiyak sa tuwa ang mag-jowa dahil sa baby na paparating. Gayunman, alam ni Whamos na may mga magsasabi ng negatibo tungkol sa kanila.

"Syempre sa lahat ng mambabash dyan panigurado 'yan. Ibabash n'yo kami pero ito lang ang sasabihin namin sa inyo. Go lang, i-bash n'yo lang kami basta wala kaming pakialam sa inyo kasi una sa lahat hindi kayo ang gagastos dito kungdi kami. So go lang, i-push n'yo lang. I-bash niyo lang kami nang i-bash basta alam namin kung ano po yung tama at mali," ani Whamos.

"Syempre bago muna namin ito [magkababy] pinag-isipan, sinigurado muna namin at sinecure muna namin yung buhay namin kung ano yung magiging meron talaga kami bago kami magkababy para hindi na mahirapan si baby, hindi niya rin maranasan yung hirap ng buhay na ginagawa ko dati noon," dagdag pa niya. 

Unang nakilala si Whamos nang sumali siya sa reality singing competition ng ABS-CBN na "Idol Philippines" noong 2019. Hindi man siya pinalad na manalo, pero wagi naman siya sa puso niAntonette Gail noong nakaraang taon.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/08/31/idol-philippines-contender-at-tiktok-idol-whamos-cruz-natagpuan-ang-true-love/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/08/31/idol-philippines-contender-at-tiktok-idol-whamos-cruz-natagpuan-ang-true-love/

Gayunman, ilang araw pa lamang ang lumipas matapos na maging sila ni Antonette Gail, naging usap-usapan sa Facebook na iniwan umano ni Whamos ang kaniyang ex-girlfriend ay anak nito para sa career niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/09/03/money-can-change-people-nga-ba-whamos-cruz-iniwan-ang-dating-gf-at-anak/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/09/03/money-can-change-people-nga-ba-whamos-cruz-iniwan-ang-dating-gf-at-anak/

Makalipas naman ang dalawang buwan, lumabas ang isyu tungkol sa paglalahad ng saloobin ng ina ni Antonette na si Dolly Gail del Rosario.

Sa isang Facebook post ni Dolly Gail, Setyembre noong nakaraang taon, tila sinasabihan ang kanyang anak, marami pang pangarap ito para sa anak at huwag daw ito magpauto sa mga taong ginagamit lamang siya.

“Magtatapos kapa ng pag aaral, madami pa kami pangrap sayu..tulungan nyo kami mabalik sa totoong pamilya ni antonette Gail del Rosario Alam mo yan mula nung maliit kapa kami Ang nakasama mo! Wag mo sayangin Ang panahon,wag ka mag pauto sa mga taong ginagamit ka lang din,” aniya.

Sinabi rin ni Dolly Gail na hindi umano ito nagkulang sa kanya at respeto ang hinihingi niya.

“Hindi ako nag kulang sa inyo.. ginagawa ko lang Ang tama at dapat para sa inyo. Wag nyo baliwalaing magulang nyo padin ako..respeto pa din hinihingi ko!” paglalahad pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/09/07/ina-ni-antonette-kay-whamos-kailan-mo-balak-iuwi-ang-anak-kong-sinilaw-mo-sa-materyal-na-bagay/

Umabot na nga pati na rin kay “Idol” Raffy Tulfo ang isyu umano sa pagitan ng mag-ina. Nagkausap sila nang tawagan ng Wanted sa Radyo si Antonette.

Dito, inilahad ni Antonette ang side niya na hindi pa umano naririnig ng ibang tao. Aniya, sinasaktan at minomolestiya siya ng kaniyang stepdadkaya't sumama siya kay Whamos.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/09/08/antonette-del-rosario-sinasaktan-at-minomolestiya-ng-stepdad-kaya-sumama-kay-whamos/